Ito ang kauna-unahang tagalog blog ko. Sinadya kong gawin ito sa wikang mas komportable akong gamitin.
Napakahirap para sa aking tanggapin ang mga hindi magagandang bagay na ginagawa sa akin ng mga taong tinuring kong kaibigan at kapamilya.
Mahirap pero sa "Corporate" na mundo madaming ganito. Tama sigurong sabihin na ako ay isang "naive" kung baga sa english o walang masyadong karanasan sa mga pangyayari sa mundong ito.
Minsan gusto kong magtanong sa Diyos kung bakit ako ay naririto sa lugar ko ngayon bilang isang tiga-pamahala ng isang dayuhan ngunit pilipinong kompanya.
Hindi ko din mai-alis sa aking isipan ang madami kong pagkukulang sa mga nakalipas na buwan at madalas kong maisip ang isuko nalang ang lahat at magbitiw sa aking puwesto.
Naiisip kong magbitiw sa madaming kadahilanan ngunit sa tuwing pinapaalala sa akin ng napakabuting Diyos na mayroon akong "purpose" kung bakit ako andito ngayon.
Nais kong sumuko dahil sa tingin ko, wala na akong nagawang mabuti at lahat ay maituturing na palpak. Anumang gawin ko, hindi tama sa panagin ng aking pinakamamahal amo.
Ako ay nagpapasalamat dahil ang Diyos ay hindi ako iniwan. Salamat sa kanya dahil sa tuwing mahirap ang gawain, at talagang mahirap para sa akin, meron akong tulong na natatanggap mula sa mga taong nakapaligid sa kin. At mula kay Katherina na aking "immediate" na amo.
Hindi naman ako nangangamba dahil ang lahat ng ito ay para sa aking ikabubuti. Tama ang si Katherina, ako ay tao lang. Gagawin ang lahat ng makakaya ko upang sa ikagaganda at ikalalago ng kompanya, ngayon, kung sa tingin ng madami ay hindi maganda -- ang sa akin ay ginawa ako sa tingin ko ay tama at maninindigan ako sa tama at sa Panginoon.
Purhin ang Panginoon dahil pwede akong pasalamatan at purihin sya sa mga ganitong pangyayari sa aking buhay. Salamat sa Diyos.
No comments:
Post a Comment