Friday, November 30, 2012

Alaala

Naalala kong mahal kita
naalala ko kung paano ang maging masaya
naalala kong pangarap kita
naalala ka ng puso ko, hanggang ngayon

Nandito, nadoon
Ganun kalayo
ikaw, ako, tayo
ganun kalabo

Araw at Buwan
Liwanag at Dilim
Ganung 'di magtagpo
Langit at lupa
parehong di natin abot

Mananatili ang alaala mo
sa puso kong di makalimot
sa alaala mong nagiwan ng malalim na tanda

Alaala ikaw hindi ng isip
Ngunit ng pusong nagparaya sa 'yo
Alalahanin mo ako
Alalahanin mo tayo
kahit sa alaala lang.... tayo